Halimbawang Sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng wika sa lipunan

     

    Sadyang napakalaki ng ginagampanan ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa lipunan. Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.

   Upang mas maunawaan pa natin ang kahalagahan ng wika sa lipunan, hayaan ninyong bigyan ko ng mga halimbawa ang bawat tungkulin ng wika ni M.A.K Halliday.
 
   At ito ay ang mga sumusunod:

 1. Interaksyonal
- Ito ay nakapagpapanatili, nakakapagpatatag ng relasyon sosyal. 
   Sa Madaling salita : 
   Ito ay ang nagpapakita ng grupo ng mga tao na nakikipag usap sa isa't isa at nagpapalitan ng impormasyon.

Halimbawa: Liham Pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6,Malolos, Bulacan Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,                Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong din sa aming pamilya.Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.                                                                                                                               

 Nagmamahal na kaibigan,
   Arian

Nakasaad sa halimbawang ipinakita ang pangungumusta ni Arian kay Narishka, dito makikita parin ang kanilang matalik na ugnayan .

2. Instrumental
-ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan
nagagamit sa pakikipag-usap o pag-uutos.

Halimbawa: Liham Pangkalakal


509 Gen.Mascardo St.,Little BaguioLungsod ng San Juan, Metro ManilaIka-
14 ng Oktubre, 2009
Kagalang -galang na Manuel VillarMunicipal Mayor
Lalawigan ng BulacanMalolos, Bulacan

Kagalang-galang na Mayor:

Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa MountCarmel Academy. Wala na pong pangtustus ang aking mga magulangpara sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanenteang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay.Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sainyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa akingpag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigaysa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng akingmakakaya.


Nakasaad sa halimbawa ang pagnanais ng tao na makakuha ng trabaho upang matugunan ang mga pang arw- araw na pamumuhay.

3. Regulatoryo
- kumokontrol  sa kilos at asal ng iba


Halimbawa:

-Mga panuto sa pagsusulit
-Mga nakapaskil na do's and dont's
-Pagbibigay ng direksyon
-pagbibigay ng babala

Ang mga halimbawang nabanggit ay nagsasaad ng gamit ng wika sa paggabay ng mga mamayan sa lipunan.

4. Personal
- nakapagpapahayag ng sariling damdamin


Halimbawa:
-Diary
-Journal

Ang Pagtala naman ng mga sariling karanasan ng isang tao ang nakasaad sa tungkuling ito.

5. Pang-imahinasyon
- nakakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan


Halimbawa:
-Paggamit ng mga idyoma
-Paggamit ng mga tayutay
-Paggamit ng mga sagisag 
-Paggamit ng mga simbolismo



Makikita ang mga ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula,nobela at maikling katha.

6. Heuristiko
- naghahanap ng mga impormasyon o datos


Halimbawa:
-Paggawa ng surbey
-Pakikipanayam
-Pananaliksik

Nais ng tungkuling ito na mabigyan ang mamayanan ng kakayahang manaliksik ng impormasyong nais nitong malaman.
7. Impormatibo
- nagbibigay ng impormasyon o datos

Halimbawa:
-Pagtuturo
-Pag-uulat
-Pagpasa ng pamanahong-papel

Ang tungkuling ito naman ay nagbibigay ng karapatan ng mga mamamayan sa lipunan na iulat ang mga mahahalagang impormasyon na kanilang nalalaman.


 Ang mga tungkuling ito ay nagpapatunay ng kahalagahan ng wika na tumutulong sa kaunlaran ng ating lipunan.






















Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Factual Evidences to Support the Historicity of the Bible